October 08, 2024

Home SHOWBIZ

Resort ni Rosmar sa Batangas, libre at bukas sa mga nasalanta ng bagyo at baha

Resort ni Rosmar sa Batangas, libre at bukas sa mga nasalanta ng bagyo at baha

Inanunsyo ng social media personality at negosyante na si Rosemarie Tan Pamulaklakin o "Rosmar Tan" na puwedeng magtungo sa kaniyang resort sa Batangas ang sinumang naapektuhan o biktima ng pananalasa ng super bagyong Carina at habagat, gayundin ang mga binaha sa kani-kanilang tahanan.

Aniya, libre at walang babayaran ni piso ang sinumang pupunta sa kaniyang "R Farm Resort" sa Tanauan, Batangas.

"LIBREEENG TIRAHAN PARA SA MGA NASALANTA AT BINAHA"

"Sa mga BINAHA at walang matirhan ngayon OPEN po para sainyo ang R Farm Resort Tanauan Batangas namin kasya dyan 50-100pax coordinate kayo kay Rosmar Jannah. Pwede din kayo mag relax sa resort namin. 8,000sqm kaya marami makaka stay."

Tsika at Intriga

Kris Aquino, nagsalita sa chikang ikinasal na siya sa non-showbiz boyfriend

"LIBREEEE LANG PO WALA KAYONG BABAYARAN KAHIT PISO. Habang di ko pa nabebenta gamitin ko muna para makatulong sa mga taong nasalanta ng bagyo. Need ko lang proof na BINAHA kayo at walang matuluyan. Priority po sana matatanda, buntis, sanggol at mga bata. ," aniya pa.

LIBREEENG TIRAHAN PARA SA MGA... - Rosemarie Tan Pamulaklakin | Facebook

Bukod dito, nagsasagawa rin ng sariling pagtulong si Rosmar sa mga kababayang apektado ng bagyo at baha.

"may 1,069 Bag Pa ako na reusable na lalamanan ko bukas ng Vita-Rice, Miguelitos Food Products, delata, Lucky Pet cat food, luca dog food at original rosmar kagayaku soap panligo ng mga nasalanta. Di lang pang tao pati na rin sa mga alaga na naisalba" aniya sa isang Facebook post.

may 1,069 Bag Pa ako na reusable na... - Rosemarie Tan Pamulaklakin | Facebook

"1,000pcs+++ PA AYUDA ang pamimigay ko bukas di lang pang tao kundi pati sa mga aso at pusa Bangon po tayong lahat agahan ko gising para makapag repack agad. #rosmarcares #PINAKAMALAKAS," aniya pa.

1,000pcs+++ PA AYUDA ang pamimigay ko... - Rosemarie Tan Pamulaklakin | Facebook