September 20, 2024

Home SHOWBIZ

Anjo Pertierra, isang bag lang nasalbang gamit; nag-duty pa rin sa Unang Hirit

Anjo Pertierra, isang bag lang nasalbang gamit; nag-duty pa rin sa Unang Hirit

Ibinahagi ng "Unang Hirit" weather reporter na si Anjo Pertierra na isang bag lamang mula sa kaniyang mga kagamitan ang naisalba niya nang pasukin ng baha ang kanilang bahay sa Marikina City.

Sa serye ng Instagram stories, makikitang lubog sa baha ang bahay nina Anjo at hindi na raw niya mabuksan ang pinto ng kaniyang kuwarto dahil sa dami ng tubig sa loob nito.

Photo courtesy: Screenshot from Anjo Pertierra (IG)

Isang travelling bag ang naisalba niya subalit hindi naman niya tinukoy kung ano-ano ang mga essential at personal things ang nakuha pa niya o laman nito.

Photo courtesy: Anjo Pertierra (IG)

Ngunit sa halip na umabsent ay back to work pa rin si Anjo at nag-duty pa rin sa kinabibilangang morning show na may positive vibes at ngiti pa rin sa mga labi.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Si Anjo ay dating volleyball player na naging sportscaster sa GMA Network, na kalaunan ay naging bahagi ng UH.