September 13, 2024

Home BALITA

VP Sara Duterte, lumipad pa-Germany

VP Sara Duterte, lumipad pa-Germany
Photo Courtesy: Ariel Fernandez via MB

Lumipad umano papuntang Germany si Vice President Sara Duterte kasama ang kaniyang pamilya at ina nitong Miyerkules ng umaga, Hulyo 24. 

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, namataan umano ang pangalawang pangulo sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasama ang kaniyang asawa, mga anak, at ang inang si Elizabeth Zimmerman. 

Umalis umano ang eroplano ng 1:50 am sa parehong petsang binanggit sa itaas at inaasahang lalapag sa Dubai para umano sa connecting flight patungong Munich, Germany.

Pero sa kasalukuyan, hindi pa umano kinukumpirma ng Office of the Vice President (OVP) ang tungkol dito.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo