September 07, 2024

Home FEATURES BALITAnaw

Ogie Diaz, pinagsabihan si Mark Fernandez nang makita 'bird' ng aktor

Ogie Diaz, pinagsabihan si Mark Fernandez nang makita 'bird' ng aktor
Photo Courtesy: Ogie Diaz (IG), via Manila Bulletin

Sinita umano ni showbiz columnist Ogie Diaz ang aktor na si Mark Anthony Fernandez matapos nitong makita ang “bird” ng aktor sa isang pelikula.

Ayon sa kuwento ni Ogie sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Huwebes, Nobyembre 2, nakausap niya umano si Mark.

“Nakakaloka ka, sabi ko sa kaniya, nakita ko ‘yung ano mo, bird mo, sa ‘Scorpio Nights 3’,” pagbabahagi ni Ogie.

Pero sabi ni Mark, prosthetic lang umano iyon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Sino-sino nga ba ang mga highest scoring Filipino PBA players?

Dagdag pa ni Ogie: “Kung kailan ka nagkaedad doon ka naghuhubad.”

Ang rason ni Mark, mataba raw kasi siya noong bata pa. Kaya ngayong gumanda na ang katawan niya at nagpaliit na ng tiyan, gusto niya itong ibuyangyang sa lahat ng tao.

“Sabi ko, nakakaloka ka pati puwit mo,” hirit pa ni Ogie sa aktor.

Usisa tuloy ng co-host niyang si Mama Loi: “Kumusta naman?”

“Gusto kong sampal-sampalin,” sagot ni Ogie.

“Si Mark,” paniniyak ni Mama Loi.

“Hindi, ‘yung puwit,” tugon ni Ogie na ikinawindang ng kaniyang co-host.

Sa huli, muling pinaalalahanan ni Ogie ang mga sexual predator na nambibiktima ng mga sexy star sa showbiz industry. Naaawa raw kasi siya dahil itinutulak umano ng ilang manager na maghubad at maghubo ang mga ito kapalit ng pinapangarap na kasikatan.