October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kathryn dinagsa ng fans sa airport: naikumpara sa BINI?

Kathryn dinagsa ng fans sa airport: naikumpara sa BINI?
Photo courtesy: ABS-CBN News (FB)

Nagpakita ng suporta ang mga tagahanga ni Asia's Outstanding Star at Kapamilya Star Kathryn Bernardo sa kaniya kahit na masungit ang panahon, habang nasa NAIA Terminal 1 siya para magtungo sa Canada, para sa shooting ng kanilang pelikulang "Hello, Love, Again" ni Alden Richards.

Kaninang umaga ng Miyerkules, Hulyo 24, all-smile si Kathryn sa fans na sumalubong sa kaniya at nagsabing mag-ingat siya sa flight at ipapanalangin ang ligtas na paglapag sa Canada dahil nga sa kasagsagan ng bagyong Carina sa bansa.

Sa comment section ng ABS-CBN, hindi naman maiwasan ng ilang netizens na tila maikumpara si Kathryn sa Nation's female group na BINI matapos ang isyu ng umano'y OA nilang pagsusuot ng face mask at pagtatakip kapag nasa airport o pampublikong lugar.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

Tsika at Intriga

Barbie Imperial, banas sa pages na nega na nga, sinungaling pa!

"Sikat Pero Hindi sya nag Mask .Pero Yung Bini Hindi Panga masyadong Sikat . Tudo Takip na ng Mask."

"bkit yan sobrang sikat na pero never nag mask...safe flight po"

"Maganda kse si kath kaya di na kailangan itago yung mukha"

"Ito nga super sikat pero d manlang magmask or itago ang katauhan nya pero ang bini hahaha ayaw ko ng mag talk"

"Eto nga sikat na sikat di nka facemask emeeee"

MAKI-BALITA: BINI, inasar mga bashers

MAKI-BALITA: BINI, gawin daw example si Sarah Geronimo pagdating sa kasikatan