October 06, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'I feel so kawawa!' Nadine Samonte, emosyunal na inilabas ang panig tungkol sa GMA Gala

'I feel so kawawa!' Nadine Samonte, emosyunal na inilabas ang panig tungkol sa GMA Gala

Binasag na ng Kapuso actress na si Nadine Samonte ang kaniyang katahimikan patungkol sa rant post ng kaniyang stylist na si Keith Manila na wala raw ang pangalan niya sa listahan ng guest list sa naganap na GMA Gala 2024.

Taliwas sa mga unang kumalat na espekulasyong hindi siya nakapasok sa loob, kinumpirma ni Nadine na nakapasok naman siya kahit wala ang kaniyang pangalan sa guest list, subalit inilagay na siya sa puwestong halos nasa dulo na at malayo na sa karamihan. Mabuti na lamang daw at nakita niya ang ilang mga kakilalang artista kaya nagkaroon siya ng kausap kahit paano.

Sa video na ipinadala kay Ogie Diaz, sinabi ni Nadine na totoong wala siya sa guest list nang bumaba siya mula sa kaniyang hotel room at i-check ito.

Nag-confirm daw siya na dadalo siya at napadalhan pa ng imbitasyon kaya nagtataka siya kung bakit wala siya sa listahan.

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Sumama ang loob ni Nadine dahil isang taon daw niyang pinaghandaan ang pagdalo sa GMA Gala na ito, nakapag-book na siya ng hotel room, nakipag-meeting na siya sa kaniyang team para sa mga video presentations at mag-aayos sa kaniya, only to find out na ganito ang mangyayari sa kaniya.

Kaya hindi raw niya masisisi ang kaniyang stylist kung bakit nagpahayag ito ng pagkadismaya dahil sa nangyari.

Hindi naman daw humihingi si Nadine ng "VIP treatment" sa GMA subalit sana man lang daw, patas na trato ang ibinigay sa lahat ng Kapuso artist, lalo na't bahagi naman siya ng kompanya. Kabilang nga siya sa upcoming show na "Forever Young."

"Masama lang talaga loob ko Tito Ogie pero it's okay, I'm thankful naman sa GMA kasi kahit papaano naiinvite ako sa ganitong malaking event talaga na once a year and I'm thankful also na meron akong bagong show with them... I hope the production will be more vigilant," anang Nadine.

MAKI-BALITA: Stylist, rumesbak: Nadine Samonte, wala sa guest list ng GMA Gala?

MAKI-BALITA: Nadine, idinaan na lang sa kape at ngiti ang isyu sa GMA Gala?

Samantala, wala pang reaksiyon o pahayag ang pamunuan ng GMA Network at ng Sparkle GMA Artist Center kaugnay sa isyu. Bukas ang Balita sa kanilang panig.