September 19, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

'Camille,' isiniwalat na ang dahilan kung bakit 'di pa nanganganak sa 'Batang Quiapo'

'Camille,' isiniwalat na ang dahilan kung bakit 'di pa nanganganak sa 'Batang Quiapo'
Photo Courtesy: Screenshots from Ogie Diaz (YT)

Tinuldukan na ni “FPJ’s Batang Quiapo” star Yuki Takahashi ang tanong ng mga tagasubaybay ng naturang serye tungkol pagbubuntis umano ng kaniyang karakter na si “Camille.”

Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz noong Lunes, Hulyo 22, isiniwalat na niya ang dahilan kung bakit hindi pa rin siya nanganganak sa “Batang Quiapo.”

“Forty days pa lang po ‘yong tiyan ko sa story. Forty days pa lang po ‘yong buhay namin,” pagsisiwalat ni Yuki. 

Matatandaang Hunyo 2023 pa nang ianunsiyong nabuntis si Camille ng karakter na ginagampanan ni McCoy De Leon sa serye.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Pero ayon kay Yuki, natatawa na lang daw siya sa mga komento at reaksiyon ng mga tao hinggil sa kaniyang pagdadalang-tao.

“Everytime na makita po nila ako kahit saan, ‘yon po talaga ‘yong tanong. But of course, ‘di ko po talaga alam kung kailan ako manganganak, e,” aniya.

Dagdag pa niya: “So, sinasabi ko na lang po ‘pag siguro nakakapaglakad na ‘yong bata. Do’n ko na ilalabas para tipid.”

Matatandaang nausisang muli ang tungkol sa panganganak ni Yuki nang umexit ang karakter ni Elijah Canlas sa “Batang Quiapo” kamakailan.

MAKI-BALITA: Pablo, namaalam na sa 'Batang Quiapo;' Camille, 'di pa rin nanganganak