November 24, 2024

Home BALITA National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur dakong 11:47 ng umaga nitong Martes, Hulyo 23, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 35 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng nasabing lindol.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto