September 07, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Stylist, rumesbak: Nadine Samonte, wala sa guest list ng GMA Gala?

Stylist, rumesbak: Nadine Samonte, wala sa guest list ng GMA Gala?
Photo courtesy: Nadine Samonte (IG)/GMA Network (FB)

Hot topic sa X ang aktres na si "Nadine Samonte" matapos daw na hindi makapasok sa naganap na GMA Gala 2024 dahil wala raw sa guest list.

Nagsimula ito sa pag-iingay ng kaniyang stylist na si "Keith Manila" sa X tungkol sa umano'y wala ang pangalan ni Nadine sa guest list kaya hindi raw siya nakapasok sa mismong venue, at wala raw nakalaang seat at table para sa kaniya, though naimbitahan naman daw ang aktres.

Hindi direktang si Nadine ang nagreklamo subalit si Keith nga ang mismong bumwelta para sa kaniya. Tinawag niyang "cheap" ang nabanggit na event at mas inuna pa raw papasukin ang mga inimbitahang social media influencers kaysa sa kanilang homegrown artist, na nagsimula sa season 1 ng "StarStruck."

Sabi ni Keith, “Treat your artists right. Kahit na di yan prime niyo. Bat kayo magiinvite pero wala pala sa listahan. Wag niyo unahin mga influencers na inivite niyo. So disappointing Sparkle GMA Artist Center. #GMAGALA2024.”

Tsika at Intriga

GMA writers, pinagbabawalan nang makipag-close sa mga artista?

"HINDI NAKAKASPARKLE #GMABALL2024," giit pa ni Keith.

Photo courtesy: @misskeithmanila (X)
Photo courtesy: @misskeithmanila (X)

Kung bibisitahin naman ang Instagram posts ni Nadine, makikita ang kaniyang mga paghahanda at looks sa naganap na gala. Marami tuloy sa mga netizen ang nagpahayag ng concern sa kaniya.

"Tapos wala daw seat sa venue? Is this true Nadine? I can’t believe it. Para sa akin you have more right to have seat than the others na hindi man kakilala. Ina talaga ang nagagawa ng pera."

"Totoo po ba na walang seat available for you sa Gala night? With all your preparations wala sa list? Grabe kayo @gmanetwork."

"Nadine magreklamo ka po sa ginawa sau di makatarungan na iitsapwera ka nila sa GALA."

Samantala, wala pang sey ang pamunuan ng GMA Network at Sparkle patungkol sa isyu. Bukas ang Balita sa kanilang panig.