September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Nadine, idinaan na lang sa kape at ngiti ang isyu sa GMA Gala?

Nadine, idinaan na lang sa kape at ngiti ang isyu sa GMA Gala?

Usap-usapan ang makahulugang Instagram post ng aktres na si Nadine Samonte kasabay ng pag-resbak ng kaniyang stylist na si Keith Manila, sa hindi raw niya pagkakapasok sa venue ng GMA Gala 2024 dahil wala ang pangalan niya sa guest list.

Nagsimula ito sa rant post ni Keith sa X tungkol sa umano'y wala ang pangalan ni Nadine sa guest list kaya hindi raw siya nakapasok sa mismong venue, at wala raw nakalaang seat at table para sa kaniya, though naimbitahan naman daw ang aktres.

Hindi direktang si Nadine ang nagreklamo subalit si Keith nga ang mismong bumwelta para sa kaniya. Tinawag niyang "cheap" ang nabanggit na event at mas inuna pa raw papasukin ang mga inimbitahang social media influencers kaysa sa kanilang homegrown artist, na nagsimula sa season 1 ng "StarStruck."

Sabi ni Keith, “Treat your artists right. Kahit na di yan prime niyo. Bat kayo magiinvite pero wala pala sa listahan. Wag niyo unahin mga influencers na inivite niyo. So disappointing Sparkle GMA Artist Center. #GMAGALA2024.”

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"HINDI NAKAKASPARKLE #GMABALL2024," giit pa ni Keith.

Kung bibisitahin naman ang Instagram posts ni Nadine, makikita ang kaniyang mga paghahanda at looks sa naganap na gala. Marami tuloy sa mga netizen ang nagpahayag ng concern sa kaniya.

"Tapos wala daw seat sa venue? Is this true Nadine? I can’t believe it. Para sa akin you have more right to have seat than the others na hindi man kakilala. Ina talaga ang nagagawa ng pera."

"Totoo po ba na walang seat available for you sa Gala night? With all your preparations wala sa list? Grabe kayo @gmanetwork."

"Nadine magreklamo ka po sa ginawa sau di makatarungan na iitsapwera ka nila sa GALA."

Sa kaniyang Instagram post, makikitang nakasuot pa si Nadine ng kaniyang glamorosang outfit para sa nabanggit na event.

MAKI-BALITA: Stylist, rumesbak: Nadine Samonte, wala sa guest list kaya di nakapasok sa GMA Gala?

Caption niya, "I'll just drink my coffee and smile "

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula kay Nadine kung true ba ang claim ni Keith, at wala pa ring opisyal na pahayag ang GMA Network o ang Sparkle GMA Artist Center tungkol sa isyu.