September 19, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Kim Domingo, mas pagbubutihin pa ang pagganap bilang 'Madonna'

Kim Domingo, mas pagbubutihin pa ang pagganap bilang 'Madonna'
Photo Courtesy: Kim Domingo (FB)

Nagpasalamat ang dating Kapuso sexy actress na si Kim Domingo sa mga magagandang komentong natanggap niya bilang “Madonna” sa primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo.”

Sa panayam ng ABS-CBN News nitong Lunes, Hulyo 22, sinabi ni Kim na higit pa raw niyang pagbubutihin ang kaniyang trabaho.

“Sobrang grateful ako sa lahat ng magagandang feedback. And sabi ko nga, mas pagbubutihin ko pa,” saad ni Kim.

Bukod dito, ikinuwento rin ng aktres kung paano siya tinulungan ng director at lead actor ng naturang serye na walang iba kundi si Coco Martin.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

“First time ko na mag-action [...] Challenging siya pero masaya ako na natututo ako. Talagang focus,” aniya.

Dagdag pa ng aktres: ‘Parang kumbaga gusto niya ‘pag lumabas ka talagang—alam mo ‘yon—maangas, maayos. Sabi niya: ‘ayaw ko ng pagtatawanan ka.’ Ganyan.”

Matatandaang unang paghaharap pa lang nila ni Coco sa serye ay umaatikabong bakbakan na agad ang inihain nila sa kanilang mga manonood.

MAKI-BALITA: Umpisa pa lang: Coco at Kim, 'nagkaputukan' na!