September 20, 2024

Home SHOWBIZ

Hiwaga, na-inspire sa paghuhubad ni Vice Ganda ng wig niya

Hiwaga, na-inspire sa paghuhubad ni Vice Ganda ng wig niya
Photo courtesy: Hiwaga (FB)

Nagdulot ng inspirasyon sa social media personality at paresan owner na si Hiwaga ang pagtatanggal ng wig ni "It's Showtime" host Vice Ganda sa nabanggit na noontime show, para damayan ang searchee na si April na may kondisyong Alopecia.

Si Hiwaga, kagaya ni Vice Ganda, ay gumagamit din ng peluka upang takpan ang isang katotohanan.

"ANG PAGIGING TOTOO MO SA SARILI ,YAN ANG MAGANDA HAKBANG PARA LALO KA PANG MAHALIN NG MGA TAONG NANINIWALA AT NAGMAMAHAL SAYO thank you so much meme Vice Ganda idol na idol kita sa mameet na po kita" ani Hiwaga sa kaniyang post.

"KAILANGAN MONG HARAPIN ANG KATOTOHANAN PARA MAS LALO KAPANG MAHALIN NG MGA TAONG NANINIWALA SAYO," dagdag pa niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hiwaga Pares - KAILANGAN MONG HARAPIN ANG KATOTOHANAN PARA MAS... | Facebook

Samantala, wala pang update kung mangyayari ba ang pagkikita ng dalawa soon.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, inalis kaniyang wig para sa 'EXpecially For You' contestant na may alopecia