Itinaas sa Signal No. 1 ang sampung mga lugar sa Luzon dahil sa Typhoon Carina, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Hulyo 23.
Sa tala ng PAGASA kaninang 5:00 ng umaga, huling namataan ang bagyong Carina sa layong 380 kilometro sa silangang bahagi ng Aparri, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 160 kilometers per hour.
Kasalukuyan itong kumikilos pahilaga hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na sa Signal No. 1 ang mga sumusunod:
Batanes
Babuyan Islands
Northern at eastern portions ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Lal-Lo, Gonzaga, Buguey, Santa Teresita, Aparri, Camalaniugan, Ballesteros, Allacapan, Abulug, Pamplona, Claveria, Sanchez-Mira, Santa Praxedes, Lasam, Alcala)
Eastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, Maconacon, Dinapigue, Tumauini, Ilagan City, San Mariano, Cabagan, San Pablo, Santa Maria)
Northern portion ng Apayao (Calanasan, Luna, Pudtol, Flora, Santa Marcela)
Northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Adams, Dumalneg, Burgos, Vintar)
Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran)
Polillo Islands
Calaguas Islands
Northern portion ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto, Caramoran)
Ayon sa PAGASA, nananatiling malayo ang sentro ng bagyo sa kalupaan ng bansa.
Posible naman daw itong mag-landfall sa hilagang bahagi ng Taiwan sa pagitan ng Miyerkules ng gabi, Hulyo 24, at Huwebes ng umaga, Hulyo 25, saka lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) pagkalipas ng ilang oras.