September 06, 2024

Home BALITA National

'Dadalo ba sa SONA?' Ex-Pres. Duterte, kasalukuyang nasa Davao -- Bong Go

'Dadalo ba sa SONA?' Ex-Pres. Duterte, kasalukuyang nasa Davao -- Bong Go
MULA SA KALIWA: Dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Bongbong Marcos (MB file photo)

Ipinahayag ni Senador Bong Go na nasa Davao City si dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes, Hulyo 22, kung kailan gaganapin ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ito ni Go sa isang ambush interview kung saan tinanong siya ng mga mamamahayag kung dadalo ba si Duterte sa SONA ni Marcos.

“Nasa Davao eh,” anang senador.

Matatandaang kamakailan lamang ay muling naging usap-usapan ang umano’y hindi magandang ugnayan nina Duterte at Marcos matapos igiit ng una na dapat umanong magtrabaho ang kasalukuyang pangulo dahil binabayaran daw siya ng mga Pilipino.

National

Hontiveros sa pagsailalim kay Guo sa PNP custody: 'Napaka-iregular ng mga nangyayari'

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte kay PBBM: 'We are paying you, magtrabaho ka!'

Nakatakdang ipahayag ni Marcos ang kaniyang ikatlong SONA ngayong Lunes ng tanghali sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.