November 24, 2024

Home BALITA National

4.1-magnitude na lindol, tumama sa Surigao del Sur

4.1-magnitude na lindol, tumama sa Surigao del Sur
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.1 na lindol ang tumama sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Lunes ng madaling araw, Hulyo 22, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:19 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 113 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.