September 07, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Xian Gaza todo-takip ng mukha sa airport, pang-asar sa BINI?

Xian Gaza todo-takip ng mukha sa airport, pang-asar sa BINI?
Photo courtesy: Screenshots from Xian Gaza (FB)

Tila nagpasaring ang social media personality na si Xian Gaza sa Nation's all-girl group na BINI matapos niyang magsuot ng itim na face mask at eye glasses sa airport.

Matatandaang kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang tila "OA" na raw na pagtatago sa privacy ng BINI kapag naglalakad sila sa pampublikong lugar, gaya ng airport. Isa si Xian sa mga nagbibigay ng kritisismo sa kanila.

MAKI-BALITA: Xian Gaza sa BINI: 'Habang baliw na baliw fans n'yo, sabayan n'yo'

Ang latest nga ay pagsusuot ng "Jabbawockeez-inspired" outfit ng walong miyembro ng grupo nang sila ay nasa airport, papunta sa kanilang BINIverse concert sa Davao City.

Tsika at Intriga

GMA writers, pinagbabawalan nang makipag-close sa mga artista?

MAKI-BALITA: BINI, inasar mga bashers

Inalmahan pa ito ng isang social media personality-writer na si "Tio Moreno" at nag-post pa ng open letter para kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. Aniya, dapat daw busisiin kung may paglabag sa batas ang BINI dahil kung karaniwang tao raw ang gumawa nito, malamang ay naparusahan na raw.

MAKI-BALITA: Tio Moreno, nag-open letter kay PBBM dahil sa 'pang-aasar' ng BINI

Kaya naman, sa kaniyang Facebook reel ay tila nang-asar pa lalo si Xian.

"HINDI AKO MAKAHINGA HYPE NA YAN GANITO PALA FEELING NG MGA SIKAT," caption ni Xian.

Facebook

Dagdag pa ng online personality, "may ginaya lang po ako."

"tinry ko lang kung ano ba feeling"

"hindi ko po kasi yan ginagawa"

"hindi naman ako famous celebrity."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang BINI patungkol dito.