September 16, 2024

Home SHOWBIZ

Nawalang credit card ni Arci Muñoz sa eroplano, 'di pa rin nareresolba

Nawalang credit card ni Arci Muñoz sa eroplano, 'di pa rin nareresolba
Photo Courtesy: Arci Muñoz (IG)

Nagbigay ng update ang aktres na si Arci Muñoz tungkol sa nawalang credit card niya noon sa eroplano.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, isiniwalat ni Arci na hindi pa rin daw naibabalik sa kaniya hanggang ngayon ang nasabing bagay.

“He took one of my cards that I didn’t notice ‘til I got back sa Manila. I called the bank and then they said it’s my negligence daw,” kuwento ni Arci.

“Sabi ko: ‘No, it was stolen.’ And we reported it sa airline but still hindi na rin ako binalikan ng airline,” dagdag pa niya.

Anak nina Manny at Jinkee, mag-aaral na sa London; nagkaiyakan sa airport

Hindi rin naman daw kasi inasahan ni Arci na may gagalaw ng mga gamit niya sa eroplano dahil nasa business class siya noon nakasakay.

Kaya naman sabi ni Boy: “Leksyon po sa ating lahat ‘yan.”

Matatandaang sa isang panayam noong Nobyembre 2023 ay sinabi ni Arci na ₱500k umano ang ginastos ng kawatan sa kaniyang credit card.

MAKI-BALITA: ₱500k ginastos ng kawatan ng debit card ni Arci Muñoz

MAKI-BALITA: Modus? Arci Muñoz nawalan ng credit card habang nasa eroplano