September 06, 2024

Home SHOWBIZ

Matet De Leon, ibinuking kung anong klaseng ina si Nora Aunor

Matet De Leon, ibinuking kung anong klaseng ina si Nora Aunor
Photo Courtesy: Screenshots from Bernadette Sembrano (YT)

Anong klaseng ina nga ba si Superstar at National Artist Nora Aunor ayon sa paglalarawan ng anak niyang aktres na si Matet De Leon?

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Bernadette Sembrano noong Sabado, Hulyo 20, ibinuking ni Matet na striktong nanay daw si Nora.

“She’s a strict mom. Very strict. But may lambing si mommy and playful. ‘Pag may oras siya she would play with us,” saad ni Matet.

“‘Pag may oras siya dahil busy siya?” sundot ni Bernadette.

Relasyon at Hiwalayan

EJ Obiena, handa nang lumagay sa tahimik?

“Super,” pagkumpirma ng aktres. “Like most of the time, buong childhood namin mas marami ‘yong busy si mommy kaysa nasa bahay lang siya to play with us.”

Gayunman, nauunawaan naman daw nila ang pagiging abala ng kanilang ina dahil alam nila kung para kanino ang ginagawa nito.

Matatandaang sa isang panayam noong Oktubre 2023 ay naibahagi rin ni Matet ang tungkol sa dapat ay ginawa niya para maging mabuting anak kay Nora.

MAKI-BALITA: Para maging mabuting anak: Matet, ipinipilit ang sarili kay Nora