September 06, 2024

Home SHOWBIZ Events

Kobe Paras, nagsalita na sa relationship status nila ni Kyline Alcantara

Kobe Paras, nagsalita na sa relationship status nila ni Kyline Alcantara

Natanong ang celebrity basketball player na si Kobe Paras tungkol sa real score sa pagitan nila ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara, sa naganap na GMA Gala 2024 sa Marriott Hotel, Pasay City noong Hulyo 20 ng gabi.

Ayon sa mga tsika, hindi sila sabay rumampa sa red carpet bagkus ang kasama ni Kobe ay ang kapatid na Kapuso artist na si Andre Paras, at solo namang naglakad si Kyline.

Sa panayam naman ng GMA Integrated News, naurirat si Kobe kung nanliligaw o mag-jowa na ba sila ni Kyline dahil kamakailan lamang ay madalas na napagkikita silang magkasama.

MAKI-BALITA: Upgrade daw si Anteh! Kyline Alcantara, Kobe Paras naispatang HHWW?

Events

'BINI Lady:' Blooms, ticket sa concert ni Martin Nievera ang nabili

MAKI-BALITA: Kyline Alcantara, tampok sa IG story ni Kobe Paras

MAKI-BALITA: Kyline Alcantara, Kobe Paras iniintrigang magkasama sa iisang lugar

Ani Kobe, sa ngayon daw ay magkaibigan sila ni Kyline.

"We are great friends," ani Kobe.

"We are just great friends right now, really close friends,” pagdidiin pa niya.

Ayon sa mga ulat, bagama't hindi sila sabay rumampa sa red carpet at hindi rin sila sabay na dumating sa venue, sabay raw silang umalis sa gala.