September 06, 2024

Home SHOWBIZ Events

Enchong Dee, rumampa sa GMA Gala; tanong ng netizens, 'Lilipat na ba siya?'

Enchong Dee, rumampa sa GMA Gala; tanong ng netizens, 'Lilipat na ba siya?'
Photo courtesy: Screenshot from GMA Pinoy TV (FB)/via Kapuso Netizens (FB)

Nagulat ang mga netizen nang maispatan ang Kapamilya actor-TV host na si Enchong Dee sa red carpet ng GMA Gala 2024 na idinaos nitong Sabado ng gabi, Hulyo 20, sa Marriott Manila Hotel sa Pasay City.

Dashing si Enchong nang maglakad mag-isa sa red carpet, bagay na ikinataka ng mga netizen lalo na sa X, dahil wala naman daw proyekto ang aktor sa Kapuso Network, unless, hudyat na raw ito ng paglipat niya o paggawa ng serye rito.

Matatandaang malaya na ang Star Magic artists na makapagtrabaho sa kahit na aling network, halimbawa na nga rito sina Dominic Ochoa, Joem Bascon, Michelle Vito, at iba pa. Latest pa nga rito ang "Tabing Ilog" star na si Desiree Del Valle na magiging bahagi ng upcoming series na "Mga Batang Riles." Noong 2023, naging bahagi si Desiree ng "Senior High" sa ABS-CBN top billed by Andrea Brillantes.

Going back kay Enchong, hindi rin naman siya bahagi ng noontime show na "It's Showtime," at siyempre, dumalo rito ang ilan sa mga host sa pangunguna ni Vice Ganda.

Events

'BINI Lady:' Blooms, ticket sa concert ni Martin Nievera ang nabili

Pero tila nawala ang pagdududa ng mga netizen patungkol sa lipatan dahil naispatan din si Enchong sa pagsisimula ng "Pinoy Big Brother: Gen 11" kung saan isa siya sa mga host. It means to say, Kapamilya pa rin siya as of this moment. 

Well, abangan na lamang kung may mga pasabog si Enchong sa mga susunod na araw kung bakit invited siya sa Gala.