November 23, 2024

Home BALITA National

'Carina,' posibleng itaas sa 'typhoon' category sa Lunes -- PAGASA

'Carina,' posibleng itaas sa 'typhoon' category sa Lunes -- PAGASA
Courtesy: PAGASA/FB

Patuloy pa rin ang paglakas ng bagyong Carina, kung saan posible itong itaas sa “typhoon” category pagsapit ng Lunes, Hulyo 22, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Hulyo 21.

Sa tala ng PAGASA kaninang 11:00 ng umaga, huling namataan ang Tropical Storm Carina sa layong 350 kilometro sa silangang bahagi ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.

Kasalukuyan itong kumikilos pakanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Ayon sa PAGASA, posibleng mas lumakas pa ang bagyo at maging “severe tropical storm” mamayang gabim hanggang sa maging “typhoon" bukas ng gabi.

“Rapid intensification within the forecast period is possible,” anang PAGASA.

Inaasahan daw na lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Carina sa Miyerkules ng gabi, Hulyo 24, o Huwebes ng madaling araw, Hulyo 25.