December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

RR Enriquez, di kilala ang BINI pero 'wag daw pakialaman ang face mask nila

RR Enriquez, di kilala ang BINI pero 'wag daw pakialaman ang face mask nila
Photo courtesy: via RR Enriquez (IG)

Bilang "Sawsawera Queen" ay nagbigay ng reaksiyon si RR Enriquez patungkol sa umiinit na isyu patungkol sa pagsusuot ng face mask ng BINI sa airport, bilang bahagi ng kanilang proteksyon sa sarili lalo na sa matinding dumog ng fans.

Aminado si RR na hindi niya kilala ang BINI, subalit naniniwala siyang hindi dapat pakialamanan ang itinuturing ngayong "Nation's all-girl group" kung trip nilang magsuot nito. Para kay RR, "OA" ang naging reaksiyon ng mga tao sa halos balot na balot na raw nilang mukha para lamang hindi makilala ng fans sa airport.

Isang "Tio Moreno" pa nga ang sumita rito at dapat daw, gawing example ng BINI si Asia's Popstar Royalty Sarah Geronimo.

MAKI-BALITA: BINI, gawin daw example si Sarah Geronimo pagdating sa kasikatan

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

"Hindi ko din sila kilala but my pamangkins knows them. They love their songs Pantropiko…" ani RR sa kaniyang Instagram post.

"Ang take ko dito as Sawsawera Queen Hindi naman porket nag face mask feeling sikat na… Pwede kasing maaga yung flight nila, ayaw na nila mag ayos, mag make up. Syempre may ibang artist na ayaw magpakuha ng pictures ng hindi sila nakaayos.. Kaya siguro nag mask na lang sila…"

"Or pwede din naman pagod sila puyat. Hindi man sila kilala ng iba, I’m sure may ibang nakakakilala din sa kanila na pwedeng sa airport mag ask mag pa picture.. Kaya para iwas picture kasi nga pagod or puyat or walang ayos nag mask na lang.."

"OA ng iba maka comment na kahit public figure yang mga yan, tao pa din sila na napapagod at may moment na hindi nila feel magpa picture… Ako nga na hindi sikat kapag mag munmall at mag gu grocery ako nagma mask ako, kasi ayaw ko mag ayos lalo at nasa baba lang ng condo yung mall Eh minsan may nakaka recognize pa din sa akin so ayaw ko makita nila ako at malait na ay ang panget pala nito in person CHERET"

"So whatever their reason for using facemask stop judging them and making assumptions… Kung hindi kayo judge huwag kayong mag judge ng tao… CHAR Bye " aniya pa.