November 23, 2024

Home SHOWBIZ Events

Krishnah Marie Gravidez ng Baguio City, kinoronahang Miss World Philippines 2024

Krishnah Marie Gravidez ng Baguio City, kinoronahang Miss World Philippines 2024
Photo Courtesy: Miss World (FB)

Nagwagi bilang Miss World Philippines 2024 si Krishnah Marie Gravidez ng Baguio City sa ginanap na coronation night sa SM Mall of Asia Arena nitong Biyernes ng gabi, Hulyo 19.

Sa Facebook post ng Miss World, opisyal nang inanunsiyo na si Krishnah ang nakatakdang maging kinatawan ng Pilipinas sa darating na 72nd Miss World Festival.

“Krishnah, who represented Baguio City, will represent the Philippines at the 72nd Miss World Festival, in the first months of 2025,” saad sa caption.

Maliban sa korona, naiuwi rin ni Krishnah ang mga sumusunod: Best in Evening Gown, Best in Swimsuit, Miss Oro China, Miss Skin by Cathy Valencia, Miss Photogenic, Miss Hello Glow, Miss Procap, at Miss Dr. Leo awards.

Events

Rampapayag kaya? Michelle Dee hinihiritang sumali sa Miss Grand International 2025

Pero bago pa man niya nasungkit ang korona sa Miss World, minsan na siyang lumahok sa Miss Universe Philippines 2023 kung saan niya nakuha ang special award na Miss Charm Philippines.

Nag-aral si Krishnah noong 2019 ng industrial engineering sa Saint Louis University sa Baguio bago lumipat sa University of Northern Philippines sa Vigan, Ilocos Sur para kumuha naman ng programang civil engineering.

Naranasan din niyang sumubok sa iba’t ibang uri ng trabaho tulad ng pagiging virtual assistant, Facebook Ads specialist, content editor, service crew, at entrepreneur. 

Samantala, itinanghal si Jasmine Omay ng Tarlac bilang 1st runner-up at 2nd runner-up naman si Sophia Bianca Santos ng Pampanga.

Congratulations and good luck, Krishnah!