September 20, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ion, muling ibinida ang pagmamahal kay Vice Ganda matapos magtanggal ng wig

Ion, muling ibinida ang pagmamahal kay Vice Ganda matapos magtanggal ng wig

Flinex ni Ion Perez ang kaniyang misis na si Unkabogable Star Vice Ganda matapos ang pinag-usapang pagtatanggol nito ng wig sa segment na "EXpecially For You" ng noontime show na "It's Showtime."

Ginawa ito ni Vice para itaas ang morale ng searchee na si "April" na nakararanas ng Alopecia.

Ang Alopecia ay isang medical condition kung saan ang isang tao ay nawawalan ng buhok sa kaniyang anit. May iba't ibang uri ng alopecia, kabilang ang alopecia areata (na kung saan may bahagi ng anit na walang buhok), androgenetic alopecia (karaniwang tinatawag na pattern baldness), at iba pang mga kondisyon na maaaring magdulot ng pagkawala ng buhok.

Ayon kay Vice, hindi niya masisisi ang mga taong gumagamit ng peluka dahil sa buhay, kailangan daw na may "kakapitan" upang patuloy na lumaban at humarap sa buhay. Sa pagkakataong ito, hindi na raw siya takot na ipakita sa publiko ang kaniyang baldness, dahilan para magsuot siya ng iba't ibang uri ng wig. Kahit daw "nakakalbo" na siya, may nagmamahal daw sa kaniya, gaya ng fans, ng nanay niya, ni Lord, at ng kaniyang mister na si Ion.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

MAKI-BALITA: Vice Ganda, inalis kaniyang wig para sa 'EXpecially For You' contestant na may alopecia

Kaya naman sa Instagram post ni Ion, muli niyang flinex ang larawan nila ni Vice.

"Embrace! MuhLov @praybeytbenjamin" aniya.

Tugon naman dito ni Vice, "We will forever feel each other’s embrace. Together or apart we will always feel each other’s love and warmth. With your embrace i feel not just your love. I feel God’s love. "