September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Baron Geisler, lagi raw may kontak sa anak niya kay Nadia Montenegro

Baron Geisler, lagi raw may kontak sa anak niya kay Nadia Montenegro
Photo Courtesy: Baron Geisler, Screenshot from GMA Network (YT)

Muling naungkat ang kontrobersiya tungkol sa anak ni Nadia Montenegro sa aktor na si Baron Geisler.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Hulyo 19, ikinuwento ni Nadia ang isang beses na pagkikita ni Baron at ng anak nito sa kaniya.

“This child has been through so much that she did not deserve na pinangakuan siya ng ‘sige magkikita tayo ng isang beses pero walang makakaalam.’ Tito Boy, sila [Sophia at Baron] ang magkausap hindi ako nakialam,” saad ni Nadia.

“So, you’re saying now at a certain point in-acknowledge, there was an acknowledged relationship between your daughter and Baron?” usisa ni Boy.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“They were always in contact Tito Boy from social media but never like you know na hide. Walang gano’n,” sagot ng aktres.

Gayunman, kinumpirma ni Nadia na alam daw ni Sophia na si talaga ang Baron ang ama nito.

Matatandaang nagsimulang lumutang ang tsika tungkol sa anak nina Nadia at Baron nang aminin ng huli ang tungkol dito sa isang panayam nito kay showbiz insider Ogie Diaz noong Marso.

MAKI-BALITA: Anak ni Baron kay Nadia, hindi interesadong makipag-ugnayan sa kaniya?

MAKI-BALITA: Nadia Montenegro, hindi inilihim anak nila ni Baron Geisler?