September 16, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ai Ai stranded sa airport, nahiga sa sahig: 'Salamat at may dala ako kumot at unan!'

Ai Ai stranded sa airport, nahiga sa sahig: 'Salamat at may dala ako kumot at unan!'
Photo courtesy: Screenshots from Ai Ai Delas Alas (FB)

Kasama si Comedy Queen Ai Ai Delas Alas sa mga na-stranded na pasahero ng Charlotte Douglas International Airport sa Amerika na naapektuhan sa global outage ng Microsoft nitong Biyernes, Hulyo 19.

Mabuti na lamang daw at kasama ni Ai Ai ang anak niyang si Sophia Delas Alas, dahil kung hindi ay baka maiyak na siya dahil wala raw siyang alam sa mga transaksyon online.

Mabuti rin daw at dala-dala niya ang kumot at una sa hand-carry kaya nakapaglatag siya sa sahig ng airport at doon na nahiga.

"Ng dahil sa software global outage na to humiga na lang ako sa sahig sa charlotte international airport ... salamat at may dala ako kumot at unan .. salamat sa DYOS kasama ko aking baby girl Sophia Delas Alas sya ang nag asikaso ng flight and luggages namin .. techi techi sya .. sabi ko sa kanya kung wala ka iiyak nalang ako," aniya sa kaniyang Facebook post.

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

Nagbigay naman ng mga "lesson learned" ang Comedy Queen, kaya sa susunod na mga flight, ganito na ang gagawin niya at puwedeng aplikable na rin sa lahat.

"moral lessons sa pangyayare ( sa aking sitwasyon.. )hwag mag byahe mag isa lalo na pag d ka naman magaling sa mga computer online online.. wag ilagay sa maleta ang food ko ( hindi sa carry on ko nakalagay ---inilagay ko sa check in shunga shunga ko super tomjones akey) at wag mawawala ang kumot at unan ... .. salamat LORD sana makarating na kong north carolina ... wag tayong susuko ...by land nandyan na kami after 4 hours salamat sinundo nalang kami ni glenn @umacnc baka kasi ma cancel hindi na naman kami makarating sa north carolina .. nakakalerky ang nangyayare sa mundo.."

Facebook

Sa isa pang Facebook post ay nagbigay ng bagong updates si Ai Ai.

"Mula sa sufferings dulot ng microsoftware outage sa airport .. eto ako bumabangon muli.. hindi nag patalo ang katawang lupa ko sa sufferings .. laban .. o beauty talk pa more .. fresh yan ahhh dulot ng @mcaesthetics.. gandang walang foundation day .. lipstick lang at eyelash plus tungkil laban na!!!"

Facebook

Sa Pilipinas, inanunsyo ng Cebu Pacific at Air Asia na made-delay ang ilang flights dahil naapektuhan din sila ng software global outage ng Microsoft.