October 05, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Sayang!' Netizens, binalikan marriage proposal ni Dominic Roque kay Bea Alonzo

'Sayang!' Netizens, binalikan marriage proposal ni Dominic Roque kay Bea Alonzo
Photo Courtesy: Screenshots from Dominic Roque (IG)

Tila hindi pa rin maka-move ang mga netizen sa kinahantungan ng relasyon ng dating celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Isang taon na ang nakakalipas simula nang ibahagi ni Dominic sa kniyang Instagram account ang video ng marriage proposal niya kay Bea. 

Ayon sa caption ng post ni Dominic: “Sino bang mag-aakala na yung crush ko lang noon na gustong-gusto kong tinititigan dahil sa sobrang ganda, hindi ko pa nga alam kung paano ako magpapakilala. Eh ngayon, parte na ng araw-araw ko.”

“Indeed, God always has His perfect time for all of us,” dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Pero kahit isang taon na ang nakakalipas at nagkahiwalay na sina Dominic at Bea, may ibang netizens na binalikan pa rin ang naturang post. Nagsulputan tuloy ang mga bagong komento. Narito ang ilan:

"1yr na"

"Sayang"

"Dipa dinelete ang video proposal, sana may chance na magbalikan kayo, kung magyayari yun Isa ako sa magiging masaya."

"Magbalikan na kayo!! "

"Sana magkabalikan po kayo"

"Pa update po HAHAHA"

Matatandaang Pebrero nang basagin ng dalawa ang katahimikan tungkol sa umuugong na balitang hiwalay na sila sa pamamagitan ng isang social media post.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, binasag na katahimikan sa hiwalayan nila ni Dominic Roque