October 05, 2024

Home SHOWBIZ

'Kung gusto pa rin nila ako:' Jennylyn nagsalita na tungkol sa paglundag sa ibang network

'Kung gusto pa rin nila ako:' Jennylyn nagsalita na tungkol sa paglundag sa ibang network
Photo Courtesy: Jennylyn Mercado, GMA Network (FB)

Nagbigay na ng pahayag ang Kapuso star na si Jennylyn Mercado kaugnay sa lumulutang na kuwento na lilipat na umano siya ng ibang network.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Huwebes, Hulyo 18, sinabi umano ni Jennylyn na nananatili umano siyang Kapuso kahit hindi pa siya pumipirma ng kontrata sa GMA. 

“Palagi naman akong Kapuso. Ang daming nag-aantay nung sagot [...] Ako naman, 20 years na po akong Kapuso, and I’m very thankful na hanggang ngayon po ay Kapuso pa rin,” saad ni Jennylyn.

"We’re just waiting for the contract, pero happy pa rin akong Kapuso [...] Basta ganito, kung gusto pa rin nila akong Kapuso, happy pa rin akong maging Kapuso,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Paglilinaw pa niya: “Wala pong offer sa ibang network.”

Matatandaang nauna nang nagbigay ng pahayag ang manager ni Jennylyn kaugnay sa napababalitang paglayas ng alaga sa GMA Network at posibilidad na lumipat ng ibang TV network.

MAKI-BALITA: Manager, nagsalita sa isyu ng network transfer ni Jennylyn Mercado 

Bukod dito, inispluk din ni showbiz insider Ogie Diaz ang nakarating umano sa kaniyang tsika na hindi raw totoo ang bali-balitang susulutin ng ABS-CBN si Jennylyn mula sa home network nito.

MAKI-BALITA: Jennylyn Mercado, 'di susulutin ng ABS-CBN