Nagbigay ng reaksiyon ang anak ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual na si Iñigo Pascual tungkol sa pakikipaghiwalay ng ex-jowa niyang si Maris Racal kay Rico Blanco.
Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Huwebes, Hulyo 18, sinabi ni Iñigo na proud daw siya kay Maris dahil pinili nito ang sarili.
"She's getting to know herself. She's choosing herself. That's something I'm very proud of her," saad ni Iñigo.
"I'm happy for her for choosing herself, to be strong for herself. Hindi madali 'yun. Minsan, you get blinded by the things you want, the things you're comfortable with,” wika niya.
Dagdag pa niya: “Like me, going to the States, I feel like it's a parallel situation. It's not the ideal move for me, but when you learn about yourself, it's a big step.”
Bukod dito, inamin din umano ni Iñigo na bagama’t wala na silang contact ni Maris sa isa’t isa ay nakasubaybay pa rin daw siya sa showbiz career nito.
Matatandaang matapos ianunsiyo ang breakup nila ni Rico, binanggit ni Maris na tila nagkaroon siya ng bagong perspective sa buhay kaya siya nakipaghiwalay sa singer-songwriter.
Samantala, ang relasyon nama nina Maris at Iñigo ay winakasan nila noong 2018.
MAKI-BALITA: Ugat ng hiwalayan: Maris Racal, nakakita ng bagong perspective sa buhay?