September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Anthony sa paratang na siya ang ugat ng hiwalayang Rico-Maris: 'Sasabihin ko naman!'

Anthony sa paratang na siya ang ugat ng hiwalayang Rico-Maris: 'Sasabihin ko naman!'
Photo Courtesy: Anthony Jennings, Rico Blanco (IG)

Nagbigay daw ng pahayag ang dating “Can’t Buy Me Love” star na si Anthony Jennings tungkol sa hiwalayan ng celebrity couple na sina Maris Racal at Rico Blanco.

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” kamakailan, nabanggit ni Mama Loi kay showbiz insider Ogie Diaz ang nagsusulputang tsika na si Anthony umano ang dahilan kung bakit nabigo ang relasyon ng dalawa.

Nangibabaw kasi ang tambalan nina Maris at Anthony sa “Can’t Buy Me Love” dahil sa nakakaaliw at nakakakilig nilang eksena. 

In fact, binansagan na ngang  “SnoRene” ang loveteam nila. Kombinasyon ng pangalan ng kanilang character na sina “Snoop” at “Irene.”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Pero nang makipag-ugnayan umano si Ogie kay Anthony ay itinanggi umano ng huli ang paratang ng maraming netizens.

“Tinanong ko siya kung ‘ikaw ba ang dahilan?’ Sabi ni Anthony, ‘hindi po, Mama Ogs, sasabihin ko naman kung ako. Hahahaha!’” aniya.

“Dahil nga ang pagkakaalam ko, mayro’n talagang jowa si Anthony,” dugtong pa ni Ogie.

Pero tila hindi raw maiwasan ng mga netizen na maghinala dahil sa dami umano ng larawan nina Anthony at Maris nang magkasama sa Instagram account ng huli.

Sa paliwanag naman ni Ogie: “E, kasi may ginagawa rin silang pelikula under Jason Paul Laxamana.”

Matatandaang bago pa man ito ay nauna nang pinabulaanan ni Maris sa isang press conference na may kinalaman si Anthony sa breakup nila ni Rico.

MAKI-BALITA: Anthony Jennings, walang kinalaman sa hiwalayang Rico-Maris