November 23, 2024

Home BALITA National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Huwebes ng hapon, Hulyo 18, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 1:39 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 57 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Marihatag, Surigao Del Sur, na may lalim na 11 kilometro.

Naiulat ang Intensity IV sa Hinatuan, SURIGAO DEL SUR, habang Intensity III sa CITY OF BUTUAN; City of Bislig, SURIGAO DEL SUR.

National

VP Sara, wala raw dahilan para patayin si PBBM: ‘Buti kung tagapagmana ako ng nakaw na yaman!’

Itinaas naman ang Intensity II sa Lingig, SURIGAO DEL SUR at Intensity I sa Tagbina, SURIGAO DEL SUR.

Naitala naman ang Instrumental Intensity I sa City of Tandag, SURIGAO DEL SUR at City of Cabadbaran, AGUSAN DEL NORTE.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng nasabing lindol.