September 16, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Writer, pinikon 'kulto' ng fans: 'Sarah Geronimo is better than BINI in all aspects!'

Writer, pinikon 'kulto' ng fans: 'Sarah Geronimo is better than BINI in all aspects!'

Matapos daw kuyugin ng ilang Bloom fans o tawag sa mga tagahanga at tagasuporta ng sikat na all-female Pinoy Pop group na "BINI," lalong pinagdiinan ng writer na si Tio Moreno na mas magaling si Popstar Royalty Sarah Geronimo sa lahat ng aspeto kaysa sa nabanggit na grupo.

Trending kasi ang kaniyang Facebook post patungkol sa reaksiyon at obserbasyon niya kung paano i-handle ni Sarah at ng BINI ang tinatamasang kasikatan, bagay na pinalagan naman ng mga tagahanga ng grupo.

Ayon kay Moreno, matagal na sa industriya si Sarah at pinatunayan na niya ang kaniyang sariling kayang-kaya niya ang iba't ibang talento gaya ng pagkanta, pagsayaw, pag-arte, at iba pa, patunay lamang sa pagiging multi-talented niya.

Ngunit kahit kailan daw, hindi naging "Disney Princess" si Sarah pagdating sa kasikatan niya, lalo na kung nasa airport o naimbitahang guest sa isang event.

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

Kalakip ng post ang larawan ni Sarah sa airport kasama ang mister na si Matteo Guidicelli at ilan pang katao, na nakasuot lamang ng itim na eyewear.

Sa pangalawang larawan naman, makikita ang ilang miyembro ng BINI na naka-cover na halos ang buong mukha dahil sa suot na itim na mask, nakasuot ng sumbrero, at malaking headset.

Giit ni Moreno, sana raw ay gawing halimbawa ng BINI ang humility ni Sarah. Matatandaang kamakailan lamang ay naging isyu ang pakiusap ng BINI members na igalang ang kanilang privacy at personal space dahil sa pagdumog sa kanila ng fans kahit kasama ang kanilang mga pamilya sa isang private event o gathering.

"Sarah Geronimo has been in the music and entertainment industry for over two decades, and her fame remains undiminished. She can dance, sing, act, and model, showcasing her multi-talented and record-breaking abilities."

"Sara continues to meet the expectations of her supporters and fans with her humility. She never acts like a 'disney princess,' whether at the airport or as a guest at events. Her humility sets her apart from others."

"I hope BINI will follow her example," dagdag pa niya.

Matapos makuyog ng batikos sa social media ay lalong nanggigil si Moreno na "banasin" ang fans, na tinawag niyang "kulto."

"Watch me trigger a CULT: SARAH GERONIMO is better than BINI in all aspects," aniya pa.

Tio Moreno - HAHAHAHAHAHAHAHAHA dami ko tawa. Totoo naman. Kaya... | Facebook

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Sarah Geronimo at ng BINI tungkol sa isyung ito.

MAKI-BALITA: BINI, gawin daw example si Sarah Geronimo pagdating sa kasikatan