September 18, 2024

Home FEATURES Katatawanan

Wish na bumalik si ‘Kuya Rico’ sinupalpal: ‘Sumunod ka na lang!’

Wish na bumalik si ‘Kuya Rico’ sinupalpal: ‘Sumunod ka na lang!’
Photo courtesy: via MB/BAET (FB)

Kamakailan lamang ay muling nagkaroon ng hype sa namayapang matinee idol na si Rico Yan dahil sa pag-content sa kaniya ng digital creators sa social media, na "kinahumalingan" naman ng Gen Z netizens dahil hindi naman talaga maitatanggi ang angking karisma ng namayapang aktor.

MAKI-BALITA: Patay na patay sa patay? Rico Yan kino-content, patahimikin na raw

Marami pa nga sa mga celebrities at netizens ang nagsabing tantanan na si Rico at hayaan nang manahimik ang kaniyang kaluluwa.

MAKI-BALITA: Jessy Mendiola, nag-react sa mga gumagambala kay Rico Yan

Katatawanan

'Tumabi-tabi ka nga ate!' Patalastas ng isang bakery, pinakaba ang netizens

Aware pala ang pamilya Yan tungkol dito, ngunit sa halip na pagbawalan ang mga nagpupunta sa puntod ng aktor para dalawin siya't gawing content, ay hinahayaan na lamang sila, basta't wala lang daw pagmumulan ng gulo sa mga katabing museleo.

MAKI-BALITA: Kapatid ni Rico Yan, 'di ipinagbabawal pagbisita sa puntod ng aktor

Nag-viral naman ang komento ng isang vlogger na nagngangalang "BAET" sa isang bagets na nagwi-wish na ibalik na ni Lord si "Kuya Rico."

Bagama't wala namang tinukoy kung sinong Rico, naniniwala ang karamihan sa mga netizen na ang tinutukoy nga ng bagets ay si Rico Yan.

"lord balik nyu na po si kuya rico," anang netizen.

Pero supalpal naman ni BAET, "Mahirap na ibalik yun beh, Sumunod ka nalang."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Give rico yan some peace. Let him rest. And don't use rico yan for clout or for memes. It's disrespectful."

"Oo nga sundan nalang nua"

"bat si rico gusto mo ibalik, sana yung mahal mo na lng sa buhay,"

"Tama. Sundan nyo nalang"

"Gusto mo neng sunod ka na lang haha."

"Pagawa ka sa mama at papa mo kamo kamukha dapat ni Rico Yan"

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 74k reactions, 7.5k shares, at 906 comments ang nabanggit na viral FB post.