September 20, 2024

Home SHOWBIZ

Sen. Bong, pwede na ulit mag-Budots; nakakalakad na matapos maaksidente

Sen. Bong, pwede na ulit mag-Budots; nakakalakad na matapos maaksidente
Photo Courtesy: Bong Revilla (IG, YT)

Maayos na raw ulit ang kalagayan ni Senador Bong Revilla matapos niyang maaksidente dahil sa mabilis na pagtakbo sa set ng ginagawa nilang pelikula.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Martes, Hulyo 16, masaya umanong ibinalita ng senador ang kalagayan niya matapos ang halos tatlong buwang pagpapagaling.

"After two months and two weeks, heto nakakalakad na tayo.Salamat sa aking mga doktor, sa aking therapy, napakabilis na recovery,” saad ni Revilla.

"Actually, marami ang nagugulat kung bakit nakakalakad na ako. Parang 'di naoperahan, akala parang ordinaryong pilay lang, pero talagang putol ang aking Achilles tendon,” aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dagdag pa ng senador: “Sa awa ng Diyos, nagpapasalamat ako sa mga nagdasal, at least heto puwede nang magsayaw uli ng Budots. Hahahaha."

Matatandaang dahil sa nangyaring aksidente ay kinailangang sumailalim ni Revilla noong Abril sa operasyon para ayusin ang kaniyang napunit na achilles tendon.

MAKI-BALITA: Matapos ma-injury: Bong Revilla, road to recovery na!