September 14, 2024

Home SHOWBIZ

Priscilla, shookt sa sinabi ni John na 'mutual' pansamantalang hiwalayan nila

Priscilla, shookt sa sinabi ni John na 'mutual' pansamantalang hiwalayan nila
Photo courtesy: Priscilla Meirelles (IG/John Estrada (FB)

Naglabas ng kaniyang pahayag si Priscilla Meirelles tungkol sa nauna nang sinabi ng mister na si John Estrada na "mutual" ang agreement nilang mag-break muna.

Mababasa sa Instagram story ni John nitong Martes, Hulyo 16, "Priscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now..."

Bahagi rin ng kaniyang pahayag ang pagtangging may relasyon o something sila ng isang nagngangalang "Lily Hallman" na binanggit at itinag pa ni Priscilla sa Instagram, nang may pabirong magtanong sa post ni John kung sino kina "Lena" at 'Maritess" ang kasama niya sa Boracay.

Photo courtesy: John Estrada (IG)

"I had a short break from work and felt the need for a breather," giit pa ng aktor.

Tsika at Intriga

Ai Ai, binatikos dahil sa pakikisawsaw sa isyu ng mag-inang Carlos, Angelica

Samantala, naglabas din ng pahayag si Priscilla sa kaniyang Instagram story. Giit naman niya, "deeply shocked and disheartened" siya sa sinabi ni "Mr. Estrada" na mutual agreement ang kanilang "separation."

"We were married when I left the Philippines, and we remain married as of this time," paglilinaw ni Priscilla.

Nagpasalamat naman siya sa mga natatanggap na suporta, kabutihan, at pagmamahal sa pinagdaraanan nila ngayon ng mister.

"I trust that, in due course, all will be resolved appropriately," giit pa ni Priscilla.

Photo courtesy: Priscilla Meirelles (IG)

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni John patungkol sa pahayag ng misis. Wala pa ring tugon, reaksiyon, o pahayag ang sinasabing nakasama ni John sa Boracay na si Lily Hallman.

MAKI-BALITA: John Estrada, nilinaw na wala siyang relasyon kay Lily Hallman

MAKI-BALITA: Babaeng 'kasama' raw ni John Estrada sa Boracay, pinangalanan ng misis

MAKI-BALITA: Priscilla, sinagot nang-usisa kung 'may new na naman' mister na si John