October 06, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Pokie, hindi pa nagsasara ng puso para sa pag-ibig

Pokie, hindi pa nagsasara ng puso para sa pag-ibig
Photo Courtesy: Pokwang (IG)

Handa pa rin kaya si Kapuso comedy star at "TikToClock" host Pokwang na magmahal muli sa kabila ng naranasan niyang failed relationship sa nakaraan?

Sa naturang vlog kasi nitong Martes, Hulyo 16, naitanong ni showbiz insider Ogie Diaz kay Pokwang kung bukas pa rin ba ang puso niya na magkaroon ng bagong pag-ibig.

“Bukas na ba ang puso ni Mareng Pokie sa bagong pag-ibig?” usisa ng showbiz insider.

Sagot naman ni Pokwang: “Hindi ko isinasara. Ito lang ako, cool.”

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“Hindi mo isinasara. So, pwede?” paniniyak ni Ogie.

“Kung galing kay God, bakit hindi? Kasi ‘yong nakaraan galing impyerno ‘yon, e,” hirit ni Pokwang sabay tili.

Matatandaang naghain ng deportation case si Pokwang laban sa dating partner na si Lee ‘O Brian noong Hunyo 2023.

Samantala, Abril 2024 naman nang tuluyang ma-deport si Lee sa Pilipinas ayon sa Bureau of Immigration (BI).

MAKI-BALITA: Pokwang, wagi: Lee O' Brian, na-deport na