September 18, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa
Photo Courtesy: Kylie Padilla (IG)

Ibinahagi ni Kapuso actress Kylie Padilla ang natutuhan niya sa bagong relasyon matapos niyang aminin na kasalukuyan na siyang taken.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, Hulyo 16, sinabi ni Kylie na mas natuto raw siyang pagkatiwalaan ang sarili ngayon.

"I think of everything in life, may ituturo siya sa 'yo. There's a way for you to grow in everything na nangyayari sa 'yo and you just keep going until you die, right?” saad ni Kylie.

“So, mayro’n din akong lesson dito sa relationship ko ngayon. And it taught me to just trust myself more and not be too scared to be myself,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Hindi pinangalanan ni Kylie kung sino ang kaniyang bagong jowa. Pero aniya, hindi umano taga-showbiz ang lalaki.

Kaya naman ang magandang bagay daw ngayon sa relasyon niya ay naibabalanse na niya ang personal na buhay at ang trabaho bilang isang artista.

Matatandaang bago pa man ito ay naging usap-usapan na noong Enero kung sino ang lalaking naispatang kasama ni Kylie habang nagsha-shopping.

MAKI-BALITA: Gym coach o jowa? Kasamang lalaki ni Kylie sa shopping, sinisino ng netizens