October 05, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

John mukhang may ipapahimas-rehas: 'Magkita tayo sa korte soon!'

John mukhang may ipapahimas-rehas: 'Magkita tayo sa korte soon!'
Photo courtesy: John Estrada (IG) via Balita

Pinalagan ni "FPJ's Batang Quiapo" star John Estrada ang ilang fake post patungkol sa iniintrigang relasyon nila ngayon ng misis na si Priscilla Meirelles, matapos nitong mag-react sa kaniyang Instagram post kamakailan habang nakabakasyon siya sa Boracay.

Nag-post kasi si John ng kaniyang mga larawan habang nakabakasyon sa isang resort sa Boracay. Makikitang sa mga larawan ay mag-isa lamang ang aktor at walang kasama, maliban sa kumuha ng larawan sa kaniya.

"What an awesome place

HENANN GARDEN BORACAY ," mababasa sa caption ng post.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Isang netizen naman ang pabirong nagtanong kung sino ang kasama niya sa Boracay: kung si Lena ba o si Maritess.

Sina Lena at Maritess ay dalawang babae sa buhay ni Rigor, ang karakter ni John sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo."

Ang ikinagulat ng mga netizen, sa komento ng misis ni John na si Priscilla na "si @Lily Hallman_ (emoji)."

Dagdag pa ni Priscilla na lalong ikinaintriga ng mga netizen, "Looking very divorced Mr. Estrada @Lily Hallman_."

MAKI-BALITA: Babaeng 'kasama' raw ni John Estrada sa Boracay, pinangalanan ng misis

Samantala, sa kaniyang Live, isang netizen ang nang-urirat tungkol dito.

Published as is, "Idol May new nnmn ba si John grabeee nmn Npk ganda mo na pra maghanap p ng iba."

Binasa ito ni Priscilla at sinagot, "Hay naku po, gano'n talaga ang buhay, eh wala naman eh... gano'n talaga..."

MAKI-BALITA: Priscilla, sinagot nang-usisa kung 'may new na naman' mister na si John

Kaya naman, panawagan ng mga netizen ay huwag masyadong isabuhay ni John ang kaniyang karakter na "Rigor" sa serye.

Nitong Hulyo 16 ay kapwa naglabas ng kani-kanilang pahayag ang mag-asawa sa Instagram stories.

Mababasa sa Instagram story ni John nitong Martes, Hulyo 16, "Priscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now..."

Bahagi rin ng kaniyang pahayag ang pagtangging may relasyon o something sila ng isang nagngangalang "Lily Hallman" na binanggit at itinag pa ni Priscilla sa Instagram, nang may pabirong magtanong sa post ni John kung sino kina "Lena" at 'Maritess" ang kasama niya sa Boracay.

"I had a short break from work and felt the need for a breather," giit pa ng aktor.

MAKI-BALITA: John Estrada, nilinaw na wala siyang relasyon kay Lily Hallman

Samantala, naglabas din ng pahayag si Priscilla sa kaniyang Instagram story. Giit naman niya, "deeply shocked and disheartened" siya sa sinabi ni "Mr. Estrada" na mutual agreement ang kanilang "separation."

"We were married when I left the Philippines, and we remain married as of this time," paglilinaw ni Priscilla.

Nagpasalamat naman siya sa mga natatanggap na suporta, kabutihan, at pagmamahal sa pinagdaraanan nila ngayon ng mister.

"I trust that, in due course, all will be resolved appropriately," giit pa ni Priscilla.

MAKI-BALITA: Priscilla, shookt sa sinabi ni John na 'mutual' pansamantalang hiwalayan nila

Going back kay John, bukod sa kaniyang pahayag ay ibinahagi rin niya ang ilang screenshots ng fake news at fake post patungkol sa kaniya.

Nakasaad pa sa isang fake post na pinapalabas na mula mismo sa kaniya at ipinost niya sa social media account niya, "Lalake ako, maraming nagkakagusto sakin kasi matipuno, mabait, at gwapo tayo. Anong magagawa ko kung tukso na yung lumalapit, edi tukain!"

Text caption at pagbabanta naman ni John sa taong nasa likod nito, "FAKE NEWS, MAG KITA TAYO SA KORTE SOON KUNG SINO KA MAN."

Photo courtesy: John Estrada (IG)

Wala pang update mula kay John kung natunton na ba ng kaniyang kampo kung sino ang nasa likod nito.