September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Baron Geisler, tinantanan na ang anak kay Nadia Montenegro

Baron Geisler, tinantanan na ang anak kay Nadia Montenegro
Photo Courtesy: Baron Geisler, Nadia Montenegro (IG)

Tikom na raw ang bibig ng aktor na si Baron Geisler tungkol sa anak nila ng aktres na si Nadia Montenegro.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Miyerkules, Hulyo 17, pinuri ni showbiz columnist Cristy Fermin ang pananahimik ni Baron tungkol sa nasabing isyu.

“Tama na rin ang ginagawang ito ni Baron kaysa naman ‘pag nagsalita siya, pagbintangan na naman siya na ginagamit niya sa promo ang isyu dahil mayro’n siyang pelikulang ipapalabas. ‘Yong ‘Moro,’” saad ni Cristy.

“Saka ang lalaki po tanggap natin sa bansang ito na kapag masyadong madaldal, iba ang interpretasyon. Pero ang babae, may karapatang magsalita hanggang sa lumuwa ang kaniyang dila, ‘di ba?” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matatandaang nagsimulang lumutang ang tsika tungkol sa anak nina Nadia at Baron nang aminin ng huli ang tungkol dito sa isang panayam nito kay showbiz insider Ogie Diaz noong Marso.

Pagkatapos nito ay nagsalita naman si Nadia at nilinaw na hindi raw niya itinago sa mga mahal niya sa buhay ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak sa iba.

MAKI-BALITA: Nadia Montenegro, hindi inilihim anak nila ni Baron Geisler?