August 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Nangangamoy-babaero!' Ricci, tameme sa pick-up lines ni 'Andrea'

'Nangangamoy-babaero!' Ricci, tameme sa pick-up lines ni 'Andrea'
Photo courtesy: Screenshots from Mega Kapamilya (X)

Kinaaliwan sa social media ang hirit na pick-up lines ng isang muse sa isang liga ng basketball sa munisipalidad ng Guinobatan sa Albay, kung saan umupong hurado ang celebrity basketball player na si Ricci Rivero.

Humirit kasi ang contestant na si "Andrea" kay Ricci na natameme na lang sa mga sinabi nito.

Ibinahagi ang video clips nito sa X account ng "Mega Kapamilya."

Sa introduction ng muse ay humirit kaagad ito ng pick-up lines patungkol sa mga basketball player.

Tsika at Intriga

'Pinilit ma-penetrate sa makipot na west point?' Post ni Ogie, nakakaintriga

"Basketball player ka ba? Kaya pala nangangamoy babaero ka," aniya na ikinahiyaw naman ng audience. Agad namang ipinakita ang reaksiyon ni Ricci at ng dalawa pang kasamang hurado.

Maya-maya si Ricci naman ang hiniritan ng muse.

"Hi Ricci, ako pala si Andrea, pero hindi 'yong dati mong sinisinta."

Si Andrea Brillantes ay ex-girlfriend ni Ricci, kung saan nabalot ng kontrobersiya ang kanilang paghihiwalay.

MAKI-BALITA: Ricci Rivero, nagsalita na sa hiwalayan nila ni Andrea Brillantes

Sa kasalukuyan ay jowa ni Ricci si Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista.

Sa pagbabahagi ni Leren sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong Pebrero, nagsimula raw ang love story nila ni Ricci sa isang feeding program. Nang mga panahong iyon ay break na sina Ricci at Andrea.

“Nag-start talaga, Tito Boy, during that feeding program, 'yon naman talaga. Doon ko rin siya nakita in person, nakausap din.”

Pero pag-amin ni Leren, nasupladuhan daw siya kay Ricci sa kanilang unang pagkikita.

At first parang, 'A, okay artista nga talaga, artista talaga siya. Sorry po sa ibang ano [artista] parang ano suplado,” aniya.

Depensa naman ni Ricci, hindi raw niya sinadya ang ganoong impresyong nakita sa kaniya ni Leren.

“Hindi, Tito Boy. Alam niya kung ano ‘yong reasons n’on. Kilala niya naman na ako,” paliwanag niya.

Gayunpaman, nagkaroon pa rin naman daw ng pag-uusap ang dalawa na naging dahilan para magkamabutihan sila.

MAKI-BALITA: Love story nina Leren at Ricci, nagsimula sa feeding program