August 26, 2024

Home SHOWBIZ Events

Kylie Padilla, masaya kahit walang ka-date sa GMA Gala 2024

Kylie Padilla, masaya kahit walang ka-date sa GMA Gala 2024
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Integrated News (YT)

Inamin ng Kapuso actress na si Kylie Padilla na wala raw siya makaka-date sa darating na GMA Gala 2024.

Sa panayam kasi ni Lhar Santiago nitong Lunes, Hulyo 15, napag-usapan ang tungkol sa love life ni Kylie.

“Happy ka ba ngayon sa buhay?” usisa ni Lhar.

“O, yeah. Very happy, very grateful. Love department? Masaya naman ako, masaya, masaya."

Events

Herlene Budol, bet kainin ng matandang lalaki

Bukod dito, ibinahagi rin ni Kylie ang tungkol sa isusuot niyang gown na may pahiwatig umano ng kaniyang pagiging Sang’gre.

"It's one of the elements, 'yun na lang. Tinu-tweak ko para bumagay sa theme, but ganun pa rin, baka very mystical pa rin 'yung dating niya," aniya.

Matatandaang noong 2021, kinumpirma ng ama ni Kylie na si Senator Robin Padilla ang hiwalayan ng dalawa.

MAKI-BALITA: Aljur Abrenica at Kylie Padilla, kumpirmadong hiwalay na

Pero matapos ang kanilang hiwalayan, naglabas naman si Kylie ng pahayag hinggil sa kanilang co-parenting set up ni Aljur.

MAKI-BALITA: Kylie sa paghihiwalay nila ni Aljur: ‘We are working on a healthy co-parenting relationship together for our boys’ sake