September 08, 2024

Home SHOWBIZ

Gary Estrada, gusto ulit maging leading man gaya nina Ian Veneracion at Gabby Concepcion

Gary Estrada, gusto ulit maging leading man gaya nina Ian Veneracion at Gabby Concepcion
Photo Courtesy: Gabby Concepcion (IG), Gary Estrada, Ian Veneracion (FB)

Inihayag ng aktor na si Gary Estrada ang kagustuhan niyang bumalik sa pagiging leading ngayong pumirma na siya ng kontrata sa Sparkle.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Martes, Hulyo 16, sinabi ni Gary na pangarap daw niyang maging leading man ulit.

“Actually, ang dream ko kasi, maging leading man ulit, e. Remember when I was young, no’ng nasa Viva ako, siyempre alam naman ng lahat na nasa likod talaga ng ano, bukod kina Boss Vic, sina talaga, si Mama Mina, parating nandiyan iyan kahit wala siya,” saad ni Gary.

Si Mama Mina na tinutukoy ni Gary ay ang namayapang actress-turned-movie producer at misis ng Viva Entertainment big boss na si Vic del Rosario.

Matapos i-regular ang sarili sa 'It's Showtime:' Rufa Mae Quinto, ayaw na raw umuwi

Kaya naman nang lumipat daw siya sa GMA, ipinakiusap niya na kung tatanggapin daw siya ay gawin sana siyang leading man.

“Siyempre nandiyan pa din sina Ian [Veneracion], nandiyan sina Gabby [Concepcion], ang ganda pa rin ng stature nila sa movie industry, e,” aniya.

Pagpapatuloy pa ng aktor: "Ako kasi, napabayaan ko. I have to admit medyo nag-lie low talaga ako.”

Matatandaang itinuon ni Gary ang buhay niya sa mga nakalipas na taon sa kaniyang political career. Naglingkod siya bilang Board Member sa second district ng Quezon province mula 2010 hanggang 2016. 

Bukod dito, kumandidato rin siya bilang vice-mayor sa Cainta, Rizal noong 2019 pero hindi pinalad na manalo.