August 24, 2024

Home SHOWBIZ

Daniel Padilla, reresbak na sa showbiz career?

Daniel Padilla, reresbak na sa showbiz career?
Photo Courtesy: Daniel Padilla (IG)

Bubuwelta na raw muli si Kapamilya star Daniel Padilla na galing sa pamamahinga matapos ang hiwalayan nila ng ex-jowa niyang si Kathryn Bernardo.

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Hulyo 15, inispluk ni showbiz columnist Cristy Fermin ang sinabi umano ng kampo ni Daniel tungkol sa muli nitong pagbabalik.

“Ito po ay hindi pagbabanta. Ang sabi ng kaniyang kampo, kasi madalas sabihin na mula nang mawala sa piling niya si Kathryn Bernardo, nawalan na ng kinang ang kaniyang bituin. Parang sinasabi ng iba na nalaos,” saad ni Cristy.

“Pero inuulit-ulit po namin, hindi po ba? Wala pong nalalaos. Hindi po nalaos si Daniel Padilla. Namahinga lang pansamantala. Pero mayro’n tayong matatawag na tamang pagkakataon para kay Daniel Padilla,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Tinapatan si VP Sara? Aklat ni Bekimon na 'Echuserang Frienny' kinaaliwan

Segunda naman ng co-host niyang si Romel Chika: “Dito na papasok ‘yong sinasabing reresbak siya kasi mayro’n na siyang pinagkakaabalahan at aabangan natin.”

Sa kasalukuyan, ayon kay Cristy, panay na raw ang ensayo ni Daniel para sa upcoming action serye nina Richard Guiterrez.

Matatandaang noong Mayo ay dumalo si Daniel bilang guest sa ginanap na “Pagkakaisa” concert ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Davao.

MAKI-BALITA: Daniel Padilla, dadalo sa Bagong Pilipinas concert sa Davao