September 19, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Bagong babae ni Tanggol? 'Black Rider Girl' ng Batang Quiapo, ipinakilala na

Bagong babae ni Tanggol? 'Black Rider Girl' ng Batang Quiapo, ipinakilala na
Photo courtesy: FPJ's Batang Quiapo (FB)/Kapamilya Online World (FB)

Ipinakilala na kung sino nga ba si "Black Rider Girl" na bagong cast member ng action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" na ilang araw na ring usap-usapan.

Tama ang hula ng mga netizen na ang babaeng ipinakita ang mga mata sa teaser video ay walang iba kundi ang dating Kapuso actress na si Kim Domingo.

Masusubukan ang tapang at galing ni Tanggol!... - Fpj's Batang Quiapo | Facebook

KIM DOMINGO SA 'BATANG QUIAPO' ... - Kapamilya Online World | Facebook

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Ibig sabihin, isa na siyang Kapamilya ngayon matapos ang huling proyekto niya sa GMA Network na "Start-Up PH" na pinagbidahan nina Alden Richards at Bea Alonzo noong 2022.

Ang pagpasok ni Kim sa BQ ay pag-exit naman ng kasalukuyang leading lady ni Coco Martin na si Ivana Alawi bilang "Bubbles," ang bagong love interest ni Tanggol matapos matsugi ang karakter ni "Mokang" na ginampanan naman ni Lovi Poe.

MAKI-BALITA: Bagong 'babae' sa buhay ni Coco Martin, si Kim Domingo?

Ayon sa usap-usapan, may "attitude" daw si Ivana at hindi mapakiusapang mag-extend ng oras kaya tatanggalin na sa serye.

MAKI-BALITA: Wala raw pinapansin: Ivana Alawi, tsutsugihin na sa 'Batang Quiapo?'

Pero sa pagtatanggol naman ng kaniyang talent manager na si Perry Lansigan, nilinaw nitong maraming prior commitment si Ivana at kipit na kipit na ang schedule nito, kaya kailangan nang bitiwan ang serye. Giit pa ng manager, originally ay tatlong buwan lang dapat si Ivana sa serye subalit napakiusapan lamang itong mag-extend dahil nag-click sa mga manonood ang tambalan nila ni Coco.

MAKI-BALITA: Manager, nagsalita sa isyung 'may attitude' si Ivana kaya ligwak na sa Batang Quiapo

Lumabas din ang bersyon na kaya umayaw na si Ivana sa serye ay dahil "pagod" na siya.

MAKI-BALITA: Hindi hayok sa project: Ivana, pagod na raw kaya babu na sa Batang Quiapo

Anyway, abangan na lamang ang mga susunod na pangyayari sa serye upang malaman kung kakampi o kaaway ba si Kim dito bilang "Madonna."