September 22, 2024

Home BALITA National

Antonio Trillanes, planong tumakbo bilang mayor ng Caloocan -- Aksyon Demokratiko

Antonio Trillanes, planong tumakbo bilang mayor ng Caloocan -- Aksyon Demokratiko
Courtesy: Dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes/FB

Plano ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes na tumakbo bilang alkalde ng Caloocan City sa 2025 elections, ayon sa kaniyang bagong partido na Aksyon Demokratiko.

Sa isang Facebook post nitong Lunes, Hulyo 15, ibinahagi ng Aksyon Demokratiko ang panunumpa ni Trillanes bilang bagong miyembro ng partido kasama ang mga opisyal, na pinangunahan ni party chairperson Ernest Ramel Jr.

"Malugod naming tinatanggap si dating senador, "Sonny" Trillanes sa Aksyon Demokratiko (Aksyon). Isa sa mga adhikain ng Aksyon ay ang malinis, mahusay at mabilis na pamamahala sa lokal na pamahalaan na may tunay na pagmamalasakit sa mamamayan,” ani Ramel.

"Naniniwala kami na katulad ng pangulo ng Aksyon Demokratiko na si former Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, ay magiging mahusay na punong-bayan si dating senador, Sonny Trillanes,” dagdag pa niya.

National

Davao Oriental, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol

Base sa ulat ng ABS-CBN News, positibo ang naging sagot ni Ramel nang tanungin siya kung tatakbo ba si Trillanes bilang alkalde ng Caloocan sa 2025 midterm elections.

Samantala, sa panayam ng GMA News ay sinabi ni Trillanes na ang pagtakbo bilang alkalde ang plano niyang direksyon, ngunit maglalabas daw siya ng pormal na anunsyo sa tamang oras.

"That's the direction pero I will make the announcement at the proper time,” saad ni Trillanes sa GMA News.

Matatandaang naging senador si Trillanes sa 14th, 15th, at 16th Congress mula 2007 hanggang 2010, 2010 hanggang 2013, at 2013 hanggang 2016. 

Tumakbo siya bilang bise presidente ng bansa noong 2016 ngunit natalo. Ipinagpatuloy naman niya ang kaniyang termino sa Senado sa 17th Congress mula 2016 hanggang 2019.

Kumandidato rin si Trillanes bilang senador noong 2022, ngunit hindi siya pinalad na muling maluklok sa pwesto.