August 22, 2024

Home SHOWBIZ

Riggghhhooouuurrr! Sino-sino nga ba ang mga babaeng na-link kay John Estrada?

Riggghhhooouuurrr! Sino-sino nga ba ang mga babaeng na-link kay John Estrada?
Photo Courtesy: John Estrada (IG)

Matunog ngayon ang pangalan ng aktor na si John Estrada hindi lang dahil sa karakter na ginagampanan niya sa primetime series na “FPJ’s Batang Quiapo” kundi dahil na rin sa umano’y bagong babae sa buhay nito.

Nagbahagi kasi si John ng kaniyang larawan na kuha sa isang resort sa Boracay kung saan siya nagbabakasyon. Makikita roon na solo lamang siya ngunit palaisipan kung sino ang pumitik ng litrato niya. 

Kaya isang netizen ang nagtangkang magtanong kung sino ang kasama nito sa isang resort. Ikinagulat naman ng marami ang pagsagot ng misis ng aktor na si Priscilla Meirelles sa mismong komento.

"Si @Lily Hallman_ (emoji),"  saad ni Priscilla.

Pelikula

Vice Ganda, sumawsaw sa iringan ni Carlos Yulo at pamilya?

MAKI-BALITA: Babaeng 'kasama' raw ni John Estrada sa Boracay, pinangalanan ng misis

Ngunit bago pa man dumating sina Priscilla at Lily, sino-sino nga ba muna ang mga naugnay na babae sa buhay ni John?

1. Janice De Belen

Ayon sa ulat, nakilala umano ni John si Janice De Belen sa isa sa mga itinuturing na longest-sitcom noong ‘80s na “Palibhasa Lalake” kung saan nag-guest ang aktres. 

Naikasal silang dalawa noong 1992. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan at nagkaroon sila ng apat na supling na sina Inah, Moira, Kaila, at Yuan. 

Pero matapos ang siyam na taong pagsasama, nagkahiwalay sila noong 2001. Tuluyang napawalang-bisa ang kasal nila nang ma-annul ito noong 2004.

Sa isang panayam ni Janice sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Pebrero, sinabi niya na quota na raw siya sa pag-ibig pagkatapos mabigo ng kaniyang marriage.

MAKI-BALITA: Matapos mabigo sa married life: Janice, quota na sa pag-ibig

2. Vanessa Del Bianco

Sa pagtatapos ng relasyon ni John kay Janice, pumasok naman sa buhay niya ang co-host niya sa 1998 noontime show na “Magandang Tanghali Bayan” na si Vanessa Del Bianco.

May mga nagsasabing si Vanessa umano ang ugat ng hiwalayan nina Janice at John bilang mag-asawa. Gaya ng naging kapalaran sa dating asawa, nauwi rin sa breakup ang relasyon ni John kay Vanessa.

Kinumpirma ng aktor ang tungkol dto sa PMPC Star Awards for Television sa UP Theater noong 2006. Nilinaw din niya na walang sangkot na third party sa hiwalayan. In fact, bukas nga raw siya sa posibilidad na magkabalikan pa sila.

“Hindi pa naman magtatapos ng ganon ‘yon. Given a chance, you know, ‘pag puwede na kami sa isang lugar, sa isang bansa, liligawan ko siya ulit,” aniya.

3. Gretchen Barretto

Nagsimulang ma-link si John sa aktres na si Gretchen Barretto matapos lumutang ang larawan nilang dalawa noong 2007 na magkahalikan sa birthday party umano ng kapuwa nila artistang si Ruffa Mae Quinto.

Sa panahong ito ay single na si John. Ngunit karelasyon na ni Gretchen noon ang business tycoon na si Tony Boy Cojuangco. Kinumpirma naman ni Boy Abunda, talent manager noon ni Gretchen, na ang alaga niya ang mismong nasa larawan.

Humingi naman ng paumanhin ang kampo ni John kay Gretchen at sa mga mahal nito sa buhay na nasaktan dahil sa nangyari. 

Samantala, nang tanungin naman si Gretchen ng Startalk reporter na si Gorgy Rula pagkatapos ng nasabing isyu, sinabi niyang okay naman daw siya. 

Tila wala rin namang nagbago sa relasyon nila ni Tony Boy dahil nang sumailalim umano ito sa isang maselang operasyon sa Amerika ay nasa tabi lang siya nito.

4. Heart Evangelista

Isiniwalat ni Kapuso star at socialite Heart Evangelista sa kaniyang vlog noong 2022 ang tungkol sa mga naka-one night stand niya na kalaunan ay nagiging karelasyon umano niya bago siya lumagay sa tahimik sa piling ni Senador Chiz Escudero.

Kaya naman sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong taon ding iyon ay pinag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Mrena ang mga lalaking dumaan sa buhay ni Heart. 

At sa episode na ito ay nahagip ang pangalan ni John.

“Syempre 'yong mga na-involve sa kaniya dati, dati walang asawa, ngayon may mga asawa na katulad ni Jericho Rosales [Kim Jones], si John Prats [Isabel Oli], alam ko for a time nanligaw din si John Lloyd,” saad ni Ogie.

Dagdag pa niya: “Ewan ko kung totoong na-link si Heart kay John Estrada dati noong bata-bata pa sila.”

Samantala, sa isang ulat noong 2014 ng Philippine Entertainment Portal (PEP) ay kinumpirma ni John ang pinangangalandakan ni Heart na crush niya ang aktres.

“Oo naman, maganda naman talaga si Heart, ‘di ba?” wika niya.

Pero nilinaw naman ng aktor na hindi nito niligawan ang aktres sapagkat jowa nito noong mga panahong iyon si Jericho.

5. Chiyo dela Vega

Noong 2023, sunod-sunod na nagbahagi ng cryptic post ang misis ni John na si Priscilla tungkol sa "cheaters" at "married men/women." Naintriga tuloy ang mga netizen lalo na nang lumutang ang pangalan ng isang Cebuana vlogger na si Chiyo dela Vega.

Ibinahagi kasi ni Chiyo ang screenshots ng conversation nila ni Priscilla kung saan kinukompronta siya nito kung bakit nagkakausap sila ni John. Pero salag ng influencer na wala silang "something" ng aktor.

MAKI-BALITA: 'Nagbabagang tsaa!' Cryptic posts ng misis ni John Estrada, usap-usapan

Ilang araw makalipas ito, tahasang inamin ni Priscilla na may pinagdadaanang problema ang relasyon nila ni John.

MAKI-BALITA: Priscilla Meirelles, inaming may marital problem sila ni John Estrada

Nagbigay din ng reaksiyon si Chiyo sa post ng tinaguriang “Pambansang Marites” na si Xian Gaza tungkol sa umano’y ka-weido-han ng mga celebrity na nagbubunyag na unfaithful ang asawa subalit mababalitaang magkasama pa rin.

MAKI-BALITA: Cebuana influencer na na-link kay John Estrada, may reaksiyon sa post ni Xian Gaza

At ngayon nga’y sunod namang lumutang ang pangalan ni Lily. Tila may pinagdadaanan na naman ang relasyon nina John at Priscilla. 

Pero anoman ito,  maayos na rin agad sana nilang dalawa lalo na’t mahigit isang dekada na silang nagsasama bilang mag-asawa. 

Matatandaang ikinasal silang dalawa noong 2011, pitong taon makalipas ang annulment nila ni Janice.