September 16, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Rico Blanco, nag-propose raw kay Maris Racal, ispluk ni Xian Gaza

Rico Blanco, nag-propose raw kay Maris Racal, ispluk ni Xian Gaza
photos courtesy: Xian Gaza/FB, Rico Blanco/IG

How true na tumanggi si Maris Racal sa alok na kasal ni Rico Blanco?

Inispluk ng social media personality na si Xian Gaza na nag-propose raw si Rico kay Maris.

"Nag-propose pala si Rico tapos nag-NO si Maris. Atin-atin na lang sana huwag na lang makakalabas salamat," sey ni Gaza sa isang Facebook post nitong Linggo, Hulyo 14.

Sa hiwalay na post, may in-upload siyang video kung saan inispluk din niya ang mga nasagap daw niya.

Relasyon at Hiwalayan

Mommy ni Gerald Anderson, humihirit na ng apo?

"Ito pa lang si babae [Maris], may ka-loveteam pala 'yan 'no? Wala naman akong idea kasi nakatira ako sa abroad. Ang nangyari itong ka-loveteam [Anthony Jennings] niya saka siya eh nagkaroon na ng friendship outside sa labas ng camera. Somehow mas bata, pabor pa 'yung publiko, trending sila. Naging threat ito kay real life boyfriend. So parang para ma-secured na 'yong relasyon nila, para ma-feel niya 'yong security sa partner niya matapos 'tong loveteam na 'to eh inalok daw ng kasal. Umayaw raw si babae. Sus, 51 na 'yan. Pa-exit na ng mundo. Ano pa bang gagawin niyan sa relasyon n'yo? So nag-decide silang maghiwalay," ispluk ni Gaza.

Gayunman, sinabi niya na hindi naman daw siya journalist para patunayan ang mga nasagap niya.

"'Yun lang naman nasagap ko na tsismis. And hindi natin alam kung accurate 'yan. At the end of the day hindi naman ako journalist, tsismoso lang ako, so shinare ko lang sa inyo 'yung nasagap ko.," dagdag pa ng social media personality.

Matatandaang isiniwalat ni Maris na hiwalay na sila ni Rico noong Biyernes, Hulyo 12. 

BASAHIN: Rico Blanco, Maris Racal hiwalay na!

Nagbigay naman ng pahapyaw si Maris tungkol sa paghihiwalay nila ni Rico matapos ang limang taon.

Aniya, hindi raw niya alam kung anong nangyari sa kaniya gayong sa loob ng ilang taong pagsasama ay pareho lang naman daw sila ni Rico na nasa iisang “pahina.”

“We were always on the same page. Always on the same page. But I don’t know what happened to me. Maybe I turned to the next page and saw a new perspective sa life,” saad ni Maris.

BASAHIN: Ugat ng hiwalayan: Maris Racal, nakakita ng bagong perspective sa buhay?

SAMANTALA, tinuldukan agad ng Kapamilya actress na walang kinalaman ang kaniyang ka-loveteam na si Anthony Jennings sa hiwalayan nila ni Rico.

BASAHIN: Anthony Jennings, walang kinalaman sa hiwalayang Rico-Maris