September 12, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Priscilla, sinagot nang-usisa kung 'may new na naman' mister na si John

Priscilla, sinagot nang-usisa kung 'may new na naman' mister na si John
Photo courtesy: John Estrada (FB)/Priscilla Meirelles (FB)

Sinagot ng misis ni John Estrada na si Priscilla Meirelles ang usisa ng isang netizen kung totoo bang may "new" na naman ang mister.

Usap-usapan kasi ang misis ng aktor matapos nitong pangalanan at i-tag pa sa Instagram post ang umano'y "kasamang" babae ng mister sa Boracay.

Nag-post kasi si John ng kaniyang mga larawan habang nakabakasyon sa isang resort sa Boracay. Makikitang sa mga larawan ay mag-isa lamang ang aktor at walang kasama, maliban sa kumuha ng larawan sa kaniya.

"What an awesome place

Relasyon at Hiwalayan

'Sky is the limit daw!' Madir na si Jackie, aprub kay Kyline para kay Kobe?

HENANN GARDEN BORACAY ," mababasa sa caption ng post.

Isang netizen naman ang pabirong nagtanong kung sino ang kasama niya sa Boracay: kung si Lena ba o si Maritess.

Sina Lena at Maritess ay dalawang babae sa buhay ni Rigor, ang karakter ni John sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo."

Ang ikinagulat ng mga netizen, sa komento ng misis ni John na si Priscilla na "si @Lily Hallman_ (emoji)."

Dagdag pa ni Priscilla na lalong ikinaintriga ng mga netizen, "Looking very divorced Mr. Estrada @Lily Hallman_."

MAKI-BALITA: Babaeng 'kasama' raw ni John Estrada sa Boracay, pinangalanan ng misis

Samantala, sa kaniyang Live, isang netizen ang nang-urirat tungkol dito.

Published as is, "Idol May new nnmn ba si John grabeee nmn Npk ganda mo na pra maghanap p ng iba."

Binasa ito ni Priscilla at singot, "Hay naku po, gano'n talaga ang buhay, eh wala naman eh... gano'n talaga..."

Photo courtesy: Screenshot from Priscilla Meirelles via Fashion Pulis (FB)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Sana you'll leave him. Nakakahiya na nakakakita kay John na may kasamang girl parang walang respeto siya sayo."

"'Ganun talaga yung buhay.' It's sad noh that a wife would just settle for this kind of marriage. I feel bad for Priscilla. John on the other hand, is one typical example of a husband/father who never should have become a father or a husband. The ironies of this life..."

"Yun naman pala kaya nya pala sikmurain. If that's the case then hwag na sya magreklamo kasi hindi din naman sya willing na ipaglaban sarili nya."

"what will she do? she lives a good life as his wife."

Noong 2023, tahasang inamin ni Priscilla na nagkaroon sila ng marital problem ni John, dahil sa isang Cebuana influencer. 

MAKI-BALITA: Priscilla Meirelles, inaming may marital problem sila ni John Estrada

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si John kaugnay rito.