August 22, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pagbulaga ni Alden Richards sa 'It's Showtime,' pinagtaasan ng kilay

Pagbulaga ni Alden Richards sa 'It's Showtime,' pinagtaasan ng kilay
Photo courtesy: Alden Richards (FB)/Screenshots from ABS-CBN Entertainment (YouTube/Kapamilya Online Live)

Marami pa rin ang hindi makapaniwalang nakakapag-guest na si Asia's Multimedia Star at Kapuso Star Alden Richards sa Kapamilya noontime show na "It's Showtime" na umeere naman sa GMA Network tuwing tanghali.

Showtime kasi ang mahigpit na karibal ng longest-running noontime show na "Eat Bulaga" na nasa TV5 na ngayon.

Si Alden ay sumikat nang husto nang mapabilang sa EB bilang host, lalo na sa phenomenal love team nila ni Maine Mendoza na "AlDub" sa kasagsagan ng "Kalyeserye."

Nang lumundag ang Eat Bulaga sa TV5 noong 2023, hindi sumama si Alden dahil nasa ilalim siya ng Sparkle GMA Artist Center, ang talent arm management ng Kapuso Network. Pero ipinangako niyang "Dabarkads hanggang dulo" siya. Sa katunayan, hindi siya nag-guest sa "Tahanang Pinakamasaya" noon. Nag-post pa siya ng kaniyang loyalty para sa nabanggit na noontime show noong Hunyo 1, 2023. 

Tsika at Intriga

'Pinilit ma-penetrate sa makipot na west point?' Post ni Ogie, nakakaintriga

Pero sa It's Showtime, nakakadalawang guest na si Alden. Ang una ay noong 2023 para sa promotion ng MMFF movie nilang "Family of Two" ni Megastar Sharon Cuneta.

MAKI-BALITA: 'Wala na network wars!' Alden aminadong nanonood din ng It's Showtime

At nitong Hulyo 13, Sabado, guest ulit si Alden sa Showtime para i-promote naman ang "Pulang Araw," ang historical drama series nila nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Dennis Trillo sa GMA Prime, papalit sa "Black Rider."

Dito ay natanong pa nga siya ni Kim Chiu kung ano ang mensahe niya sa kaniyang "inspirasyon."

Nakitaan pa tuloy sila ng chemistry kaya humihirit ang fans na pagsamahin din sila sa isang proyekto, tutal, open na ang collaboration sa pagitan ng dalawang dating magkatunggaling network. 

MAKI-BALITA: Makinig ka Kathryn! Alden, may mensahe sa 'inspirasyon' niya ngayon

MAKI-BALITA: Napatabi lang sa It's Showtime: Alden Richards, Kim Chiu umaa-Pau ang chemistry

Habang marami ang natutuwa sa pagbulaga ni Alden, marami rin ang nangunguwestyon sa pagiging "Forever Dabarkads" niya. Makikita ito sa comment section ng anunsyo ng kaniyang pagbisita sa nabanggit na noontime show. 

Subalit pagtatanggol naman ng fans, natural lang daw na mag-appear si Alden sa Showtime bilang noontime show rin ito ng GMA Network.