October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Netizens, nahihiwagahan sa mga kasamang afam ni Sheryl Cruz sa pics

Netizens, nahihiwagahan sa mga kasamang afam ni Sheryl Cruz sa pics
Photo courtesy: Sheryl Cruz (IG)

Kinakiligan ng mga netizen ang latest Instagram post ng aktres na si Sheryl Cruz kung saan makikitang may kayakap siyang isang dayuhan, na maipagpapalagay na isang Turkish.

Batay sa lokasyon, nasa Istanbul, Turkey si Sheryl at kayakap ang isang dayuhang may inisyal na "E."

"Galeta Bridge with E," aniya.

Sheryl Sonora Cruz (@officialsherylcruz) • Instagram photos and videos

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Naka-limit ang comment section ng post kaya hindi tiyak kung ano ang relasyon niya sa nabanggit na dayuhan. Ngunit sa ulat ng Fashion Pulis, natanong din nila kung ito na ba ang pa-soft launch ng aktres sa kaniyang bagong boyfriend.

Sa kaniyang Instagram post noong Hulyo 9, makikitang kasama rin niya si "E" habang sila ay nasa Goreme-Capadokia sa kaparehong bansa. 

Sheryl Sonora Cruz (@officialsherylcruz) • Instagram photos and videos

Nagugulumihanan kasi ang mga netizen kung mag-on na ba sila, dahil may iba pang Instagram posts si Sheryl na may kasama ring dayuhan.

Batay kasi sa mga komento ng netizen, parang bawat pa-picture ni Sheryl sa mga kasamang afam, sinasabihan nilang bagay siya sa kanila.

Noong Hulyo 9, ibinahagi niya ang Instagram post na may kasama siyang isang dayuhan na ang inisyal naman ay "A."

"Madam, pag-uwi mo mag boyfriend reveal ka na ha. Isama mo as date sa GMA Gala" anang isang netizen.

"Di pwede mag sama ng date " komento ng aktres. 

Sheryl Sonora Cruz (@officialsherylcruz) • Instagram photos and videos

Noong Hulyo 9, may kasamang afam si Sheryl sa pic na ang inisyal naman ay "G."

Nagkomento pa nga rito ang aktres na si Rita Avila. Aniya, "Ehem Patricia. Iwan mo na si Ramil. "

"Hehehe" lang ang sagot dito ni Sheryl. 

Sheryl Sonora Cruz (@officialsherylcruz) • Instagram photos and videos

Sa Instagram post niya noong Hulyo 7, makikitang kasama rin niya si "G" at isa pang babae. 

Sheryl Sonora Cruz (@officialsherylcruz) • Instagram photos and videos

Noong Hulyo 3, pinasalamatan niya si "G" para sa isang dinner. 

Sheryl Sonora Cruz (@officialsherylcruz) • Instagram photos and videos

Si Sheryl Cruz ay divorced na sa kaniyang dating mister na si Norman Bustos noong 2008. Sila ay may anak na babae na si Ashley Nicole.

So ang matinding tanong ngayon kay Sheryl, ang latest na kasama niya ba sa Turkey ang siyang nakabihag na sa kaniyang puso? Bukas ang Balita sa kaniyang panig.